Upos

Sana ako yung tipo ng anak
Na kayang ibigay ang lahat
Ng walang alinlangan
Ng hindi nahihirapan
O kaya’y nasasaktan
Pero hindi eh
Napapagod din po ako
Nauubos din po ako
At sana sa bawat patak ng luha
Na dumadaloy sa mukha ko
Habang sinusulat ito
Sana’y umulan ng kapatawaran
Dahil sa aking nararamdaman
Pagod na pagod na po ako
Ubos na ubos na po ako
Patawad.

Advertisements

3 thoughts on “Upos

  1. Hello There, hindi ko alam exactly kung anong pakiramdam, ng nasa kalagayan mo. Pero nauunawaan ko ng kaunti, based na rin sa mga naranasan ko personally at sa mga iba mo pang naisulat.

    Gusto ko lang sabihin na napakaswerte nila saiyo. At hindi matutumbasan ang sakripisyo mo. Hindi ko alam, pero siguro… sa kabila ng mga upos, mas matimbang pa rin ang alab ng isang mabuting kalooban at mapagmahal na anak. :)

  2. Hi, di kita kilala pero naiintindihan kita. Dahil ito rin ang pakiramdam ko ngayon. Yung tipong lahat na lang ibinigay mo na pero kulang pa rin. At dahil kulang pa, ikaw din ang nakukonsensya, kahit pa ibinigay mo na ang lahat. Parang isang mobius strip lang. :'(

Comments are very much welcome. Yes, even those snarky ones.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s